ONE HUNDRED THOUSAND PARA KAY LOLA LORENZA “LURING” NOSCE ENRIQUEZ NA ISANG CENTENARIAN.

ONE HUNDRED THOUSAND PARA KAY LOLA LORENZA “LURING” NOSCE ENRIQUEZ NA ISANG CENTENARIAN.
13 Nov 2023

News

ONE HUNDRED THOUSAND PARA KAY LOLA LORENZA “LURING” NOSCE ENRIQUEZ NA ISANG CENTENARIAN.

TINGNAN || ONE HUNDRED THOUSAND PARA KAY LOLA LORENZA “LURING” NOSCE ENRIQUEZ NA ISANG CENTENARIAN.
 
Sa harap ni Mayor Lovely Reynoso-Pontioso at CSWDO Irma Ilocario ay tinanggap ni Emma Nosce Arenal, pamangkin ni Lola Luring ang halagang sandaang libong pisong (P100,000) cash gift for centenarian buhat sa kinatawan ng CSWD-Calabarzon na si PDO-II Jevelle Tobongbanua sa tanggapan ng CSWD ngayong umaga ng Lunes, November 13, 2023.
 
Si Lola Luring o Lorenza Nosce Enriquez ay kabilang sa mga Tayabasin na kung tawagin ay “centenarian”. Ipinanganak siya noong August 10, 1922 at nagdiwang ng ika-100 taon noong August 10, 2022.
 
Matatandaang personal na tinanggap ni Lola Luring ang halagang P10,000 cash gift buhat sa Pamahalaang Lokal ng Lungsod ng Tayabas sa mismong araw ng kanyang kapanganakan noong August 10, 2022, nang ihatid ito ni City Administrator Diego V. Narzabal bilang kinatawan ng noo’y Mayor Ernida Agpi Reynoso.
 
Subalit noong June 1, 2023 ay namayapa na si Lola Luring. Kaya ang kanyang pamangkin ang tumanggap ng centenarian benefit na P100,000.
SHARE ON
Scroll to Top