MONDAY FLAG RAISING CEREMONY

MONDAY FLAG RAISING CEREMONY
10 May 2024

News

MONDAY FLAG RAISING CEREMONY

MONDAY FLAG RAISING CEREMONY
May 6, 2027, The Atrium, New Tayabas City Hall
 
“Sana po hindi sa lahat ng panahon na tuwing nagpupunyagi lang tayo maluwag ang pagsabi ng ‘I love you’ sa isa’t isa o sa mga taong nagbibigay sa atin ng pabor. Sana po sa araw-araw maluwag nating sasabihin ang ‘I love you’ sa isa’t isa, sa ating kapwa tao whether ups or downs!”
 
Ito ang nilalaman ng mensahe ni Mayor Lovely Reynoso-Pontioso sa mga opisyal at kawani ng Pamahalaang Lokal ng Lungsod ng Tayabas na dumalo sa seremonya ng pagtataas ng bandila sa pangunguna ng City Treasurer’s Office.
 
Si Msgr. Dennis Imperial ang namuno sa pangkalahatang panalangin katulong sina Pastor Ronnie Sombrero at Pastor Jun.
 
Sa mensahe naman ni Vice Mayor Oro Dalida ay muli niyang ipinahayag ang suporta kay Mayor Lovely at sinabing “Dapat po ang Mayor ay ating tinutulungan at hindi pinagtutulungan. Kaya po ang inyong lingkod ay tumutulong kay Mayor Lovely Reynoso-Pontioso. Isa po ako sa tumutulong kay Mayor Lovely.”
 
Sa pangalawang bahagi ay binigyang-daan ang mga pagkilala, pabatid at iba pang anunsyo ng mga tanggapan ng pamahalaan kabilang dito ang mga sumusunod:
 
1. Pagpapakilala ng HRMO sa isang ( 1 ) bagong promote na kawani at anim ( 6 ) na bagong hirang na kawani ng Pamahalaang Lokal ng Lungsod ng Tayabas.
 
2. Paggawad ng Sertipiko ng Pagkilala sa mga mag-aaral ng Luis Palad Integrated High School, Dapdap Integrated School, Tayabas East Central School, Buenaventura Alandy National High School at Ilasan Integrated School na nagkamit ng karangalan sa ginanap na Pambansang Labanan sa Isip, Sining at Panitikan sa University of the Philippines-Los Baños noong April 28, 2024, at Regional Festival of Talents (RFOT) 2024 sa Lucban, Quezon noong April 22-26, 2024.
 
3. Ipinabatid ng Tayabas City Environment and Natural Resources Office na sa May 11, 2024 ay magsasagawa sila ng 5th Run for Biodiversity 2024.
 
4. Pagbibigay ng bagong uniform sa mga miyembro ng ABAKA.
 
5. Ceremonial Awarding of Honorary Local Chief Executive of the Year Award to Mayor Lovely Reynoso-Pontioso matapos ang formal awarding noong May 3, 2024 sa Okada Hotel.
 
Nagtapos ang programa sa pangwakas na pananalita ni Mayor Lovely Reynoso-Pontioso na nag-uudyok sa mga kawani na patuloy na maglingkod ng may katapatan at may puso para sa lahat ng Tayabasin.
SHARE ON
Scroll to Top