29
May 2024
Events
News
TINGNAN || LGU TURN-OVER OF SCHOOL SITE AND GROUNDBREAKING CEREMONY OF TAYABAS CITY NATIONAL HIGH SCHOOL.
TINGNAN || LGU TURN-OVER OF SCHOOL SITE AND GROUNDBREAKING CEREMONY OF TAYABAS CITY NATIONAL HIGH SCHOOL.
“Tamang tao para sa tamang panahon. Kung hindi napalagay ang mga taong ilalagay natin upang maisakatuparan ang mga pangarap na ito ay hindi po magkakaron ng Tayabas City National High School.” Ganito ang buod ng mensahe ni Mayor Lovely Reynoso-Pontioso sa isinagawang Turn Over of School Site and Groundbreaking Ceremony ng Tayabas City National High School ngayong Miyerkules, May 29, 2024 sa Barangay Lakawan.
Iginawad din ang isang milyong piso (P1,000,000) buhat sa Special Education Fund na paunang kabayaran para sa bibilhing lupang pagtatayuan ng Tayabas City National High School.
Dumalo sa groundbreaking ceremony sina Vice Mayor Rosauro Dalida, Konsehal Elsa Rubio, Konsehal Dino Romero, Konsehal Luz Cuadra, SDS Celedonio B. Balderas, ASDS Herbert D. Perez, SGOD Chief Imelda C. Reymundo, kinatawan ni Vice Governor Anacleto Alcala III na si Atty. Aleix Alcala, Teachers Association President Johncent Roy Tibordo, Stakeholder Mrs. Eclarin, Former LnB President Rommel Barrot, Lala Pabulayan, Former Councilor Precy Glorioso, Barangay Lakawan Chairperson Zenaida N. Lubiano at mga Sangguniang Barangay.
Lubos ang pasasalamat ng mga mag-aaral ng Barangay Lakawan dahil sa mapapalapit na ang kanilang papasukang eskwelaha.