TINGNAN || SERBISYONG REYNOSO ORA-MISMO!

TINGNAN || SERBISYONG REYNOSO ORA-MISMO!
03 May 2024

News

TINGNAN || SERBISYONG REYNOSO ORA-MISMO!

TINGNAN || SERBISYONG REYNOSO ORA-MISMO!
 
Ang programang “Serbisyong Reynoso Ora-Mismo” ay isang on-the-spot assistance program ni Mayor Lovely Reynoso-Pontioso kung saan lahat ng kayang maprosesong ayuda sa mismong araw na ito ay ni-request ay ibinibigay sa mga nangangailangang Tayabasin.
 
Ngayong Huwebes, May 2, 2024 ay animnapu’t anim (66) na Tayabasin na dumaraan sa kakapusan ng pantustus sa pambili ng gamot, gatas, pampatherapy, nasunugan at pampalibing ng namayapang kamag-anak ang agad na tumanggap ng ayuda buhat sa pamahalaang lokal sa pamamgitan ni Mayor Lovely Reynoso-Pontioso.
 
Ipinaparamdam ni Mayor Lovely Reynoso-Pontioso ang pagmamalasakit sa mga nahihirapan nating kababayan sa nilalaman ng kanyang mensahe na handang tumulong ang pamahalaan at sinabing paglipas ng anim na buwan ay maaari silang muling mag-asikaso ng paghingi ng ayuda kung patuloy na mangangailangan.
SHARE ON
Scroll to Top