TINGNAN || SERBISYONG REYNOSO ORA MISMO!

TINGNAN || SERBISYONG REYNOSO ORA MISMO!
10 May 2024

News

TINGNAN || SERBISYONG REYNOSO ORA MISMO!

TINGNAN || SERBISYONG REYNOSO ORA MISMO!
 
Noong Martes, May 7, 2024 ay animnapung (60) Tayabasin na dumaraan sa kakapusan ng pantustus sa pambili ng gamot, gatas, pampatherapy, nasunugan at pampalibing ng namayapang kamag-anak ang agad na tumanggap ng ayuda na umabot sa sandaan siyamnapu’t siyam na libo animnadaang piso (P199,900) buhat sa pamahalaang lokal sa pamamagitan ni Mayor Lovely Reynoso-Pontioso.
 
Ang programang “Serbisyong Reynoso Ora-Mismo” ay isang on-the-spot assistance program ni Mayor Lovely Reynoso-Pontioso kung saan lahat ng kayang maprosesong ayuda sa mismong araw na ito ay ni-request ay ibinibigay sa mga indigents at AICS.
 
Ipinaparamdam ni Mayor Lovely Reynoso-Pontioso ang pagmamalasakit sa mga nahihirapan nating kababayan sa nilalaman ng kanyang mensahe na handang tumulong ang pamahalaan at sinabing paglipas ng anim na buwan ay maaari silang muling mag-asikaso ng paghingi ng ayuda kung patuloy na mangangailangan.
SHARE ON
Scroll to Top