10
Jun 2024
News
TINGNAN || CROWN MAINTENANCE VALIDATION VISIT SA LUNGSOD NG TAYABAS NG NATIONAL NUTRITION EVALUATION TEAM, JUNE 4-6, 2024.
TINGNAN || CROWN MAINTENANCE VALIDATION VISIT SA LUNGSOD NG TAYABAS NG NATIONAL NUTRITION EVALUATION TEAM, JUNE 4-6, 2024.
Tatlong araw ang ginugol ng National Nutrition Evaluation Team sa katatapos na National Evaluation for 1st Year Crown Maintenance ng Lungsod ng Tayabas.
Nagsimula noong June 4, 2024 ang evaluation kung saan iprenisenta ni Mayor Lovely Reynoso-Pontioso sa harap ng validation team at City Nutrition Council members ang mga accomplishments, on-going programs and plans ng pamahalaang lokal na tumututok sa nutrisyon ng mamamayang Tayabasin. Nagsagawa din ng pagsusuri sa mga kaukulang dokumentong may kinalaman sa nutrisyon noong taong 2023.
Sa ikalawang araw ay nagtungo ang team sa Barangay Health Station, Tayabas Lactation Hub, NCDC at iba pang pasilidad na ginagamit sa pagpapanatili ng tamang nutrisyon upang mag-evaluate at tingnan ang kasalukuyang kalalagayan ng mga ito. Matapos ang pagbisita ay muling ipinagpatuloy ang desk evaluation sa mga kaukulang dokumento.
Natapos ang ikatlong araw sa presentation ng NNET sa CNC ng naging inisyal na resulta ng evaluation kung saan hiningan sila ng karagdagang opinion, pagpresenta ng karagdagang supporting documents at suhestiyon kung paano masasagot ang ilang requirements ng validation.
Hangarin ng evaluation na muling mabigyan ng Crown Award sa pangalawang pagkakataon ang Lungsod ng Tayabas kung kaya tinututukan ng City Nutrition Office sa pamumuno ni Manel Zaporteza-Chong sa tulong ng City Nutrition Council, ang validation requirements and documentation ng lahat ng programa patungkol sa nutrisyon.
Kabilang sa bumubuo ng National Evaluation Team sina NNC Nutrition Officer II Christine Jane Almira, NEDA Economic Development Specialist II Arsenia Crisilda Maxinne B. Pepino, NFP Board Secretary Rhea B. De Leon, OIC RNPC Lourdes Orongan at NNC IVA Nutrition Officer II Louise Julienne Cuartero.