31
Jul 2024
News
TINGNAN || FINANCIAL SUBSIDY, IPINAMAHAGI SA LUPONG TAGAPAMAYAPA, BANTAY BAYAN AT BARANGAY APPOINTED OFFICIAL NG LUNGSOD NG TAYABAS.
TINGNAN || FINANCIAL SUBSIDY, IPINAMAHAGI SA LUPONG TAGAPAMAYAPA, BANTAY BAYAN AT BARANGAY APPOINTED OFFICIAL NG LUNGSOD NG TAYABAS.
Walundaan at dalawang (802) Barangay appointed officials, Lupon Tagapamayapa at Bantay Bayan ang tumanggap ng kanilang 2nd quarter cash subsidy buhat sa Pamahalaang Lungsod ng Tayabas.
Ipinamahagi ni Mayor Lovely Reynoso-Pontioso ang cash subsidy na umabot sa P1,201,000 bilang pagtanaw sa mahusay nilang pagtupad sa kanilang tungkulin at katuwang ng Pamahalaang Lokal ng Lungsod ng Tayabas sa patuloy na pagpapaunlad.
Ipinamahagi rin ni Mayor Lovely Reynoso-Pontioso ang mga bagong uniporme para sa mga Barangay appointed official.