32nd NATIONAL CHILDREN’S MONTH: pinagdiwang sa Tayabas City

32nd NATIONAL CHILDREN’S MONTH: pinagdiwang sa Tayabas City
06 Nov 2024

Child Protection

Health

News

32nd NATIONAL CHILDREN’S MONTH: pinagdiwang sa Tayabas City

 Pormal na inilunsad ngayong Martes, November 4, 2024, sa Silungang Bayan ng Tayabas ang 32nd National Children’s Month na may temang “Break the Prevalence, and the Violence: Protecting Children Creating a Safe Philippines!”
 
Pinamunuan ng Tayabas Local Council for Protection of Children katuwang ang City Social Welfare and Development Office ang okasyon na dinaluhan ng mga piling mag-aaral kasama ang mga opisyal ng animnapu’t anim na Barangay, Multi-Sectors, Focal Persons, BCPC at Day Care Workers.
 
Naging lecturer sa isinagawang Children’s Congress sina SWO-III Jesusa Susana C. Zafranco at PEMES Eufrocina Estole-Rocio para italakay ang RA 11930: Orientation on Online Sexual Abuse or Exploitation of Children (OSAEC) and Anti-Child Sexual Abuse of Exploitation Materials (CSAEM) at RA 11313 Anti-Bastos Law.
 
Naging participants naman sa Draw & Tell Competition ang walong ( 8 ) mag-aaral mula Day Care.
 
Naging panauhin si Mayor Lovely Reynoso-Pontioso sa programa na nagbahagi ng mensahe sa mga bata na nakiisa sa celebration ng 32nd National Children’s Month.
SHARE ON
Scroll to Top