30
Oct 2024
Dumating noong Lunes, October 28, 2024 ang 300 food packs para sa mga nasalanta ng bagyong Kristine sa Lungsod ng Tayabas.
Tinanggap ni Mayor Lovely Reynoso-Pontioso ang mga kahon ng relief goods na ipinadala sa lungsod sa pamamagitan ng Alona Partylist. Makikita sa mga larawan na katulong ang mga Kapitan ng Barangay sa pagbubuhat ng mga nasabing relief packs.
Samantala, nagbigay din ng P25,000 cash assistance na maaaring ipangtustos ng pamahalaang lokal sa mga pangangailangan ng mga nasalanta sina former Senators Bam Aquino and Kiko Pangilinan.
Nakatakdang ipamahagi sa mga lubhang apektado ng bagyo ang mga nasabing relief goods.