27
Mar 2024
News
TINGNAN || CLOSING AND AWARDING CEREMONY NG WOMEN’S MONTH CELEBRATION 2024.
TINGNAN || CLOSING AND AWARDING CEREMONY NG WOMEN’S MONTH CELEBRATION 2024.
“Pagtulong-tulungan po natin na magkaroon ng isang patas na lipunan, patas na oportonidad, patas na pagtingin, patas na magandang kinabukasan para sa ating lahat. Whatever your gender is.” Ito ang mga katagang binanggit ni Mayor Lovely Reynoso-Pontioso sa Closing and Awarding Ceremony ng Wonem’s Month Celebration 2024.
Pormal na nagtapos ang selebrasyon ng Women’s Month 2024 sa Lungsod ng Tayabas kung saan isinagawa ang paggawad ng plake ng pagkilala, medalya at cash prize sa lahat ng nakiisa at nanalo sa mga patimpalak ng City Gender and Development Office.
Nakamit ni Vince Bobila ang 1st place sa Digital Poster Making Contest, 2nd place naman si Cyra Gaile Chaves at 3rd place si Edwen Moreno.
1st place si Kenneth Nambio sa On-the-spot Poster Making Contest, 2nd naman si Marwin Ocado at 3rd si Francheska Javal.
Sa Jingle Making Contest ay nagkamit ng 1st place si Knel Arthur Yanilla, 2nd place naman si Emma Lagansua at 3rd place ang SPA Music ng Luis Palad Integrated School.
1st place naman ang Luis Palad Integrated School sa Vlog/Infomercial Making Contest, 2nd ang Pandakake Integrated School at 3rd ang West Palale National High School.
Sa Tiktok Dance Challenge ay nakamit ng South Palale Elementary School ang 1st place, Lakawan Elementary School naman ang 2nd place at Dapdap Integrated School sa 3rd place.
Naging panauhin sa seremonya sina Konsehal Elsa Rubio, City Accountant Carina N. Jalbuena, City Budget Officer Esperanza E. Cabriga. Ang City Gender and Development Office naman ang namuno sa programa sa pangunguna ni GFPS-TWG Chairperson Rosario Bandelaria.