“MAUTIP, MAKULAY AT SIMBOLO NG PASASALAMAT SA MASAGANANG ANI” para kay SAN ISIDRO LABRADOR ang hatid na disenyo ng booth ng Lungsod ng Tayabas sa paglahok sa NIYOGYUGAN FESTIVAL 2023.
Ang nasabing festival ay pormal ng binuksan sa Perez Park, Capitol Compound, Lungsod ng Lucena. Sa pamamagitan ng pagtutulungan ng Tanggapan ng Turismo, General Services Office, Agriculture’s Office at pamumuno ng Punong Lungsod Lovely Reynoso-Pontioso ay nabuo ang “Agri-Tourism Booth” ng Tayabas.
Balat ng “NIYOG” ang syang pangunahing materyales na ginamit bilang selebrasyon sa kagalingan ng mga magniniyog.
Itinanghal din rito ang “Tayabas City Tourism Map, Tour Packages” pati ang Launching ng “Promotional Brochures” ng nasabing lungsod.
Maaaring bumili ang mga nagnanais na bumisita sa nasabing booth ng “Lambanog, Budin, Rodillas Yema Cake, Cheesecake, sariwang prutas at iba’t ibang produktong lokal (handicrafts)”.
Inaasahan ang pagdalo at pagsuporta sa pagbili ng #ProduktongTayabasin na matatagpuan rito mula ika-Agosto 9-19, taong 2023.
#TaraNasaQuezon #PariniNaNiyogyuganNa #AhAhYanungGaling #HomeofCultureAndTheArtsInQuezonProvince #NiyogyuganFestival2023 #SerbisyongReynoso