PITUMPUNG CORN FARMERS, NAGTAPOS SA FARMER FIELD SCHOOL ON CORN PRODUCTION.

PITUMPUNG CORN FARMERS, NAGTAPOS SA FARMER FIELD SCHOOL ON CORN PRODUCTION.
11 Nov 2024

Agriculture

News

PITUMPUNG CORN FARMERS, NAGTAPOS SA FARMER FIELD SCHOOL ON CORN PRODUCTION.

Pormal na nagtapos ang pitumpung (70) corn farmers ng Lungsod ng Tayabas sa Farmer Field School (FFS) on Corn Production sa ginanap na Graduation Ceremony ngayong Biyernes November 8, 2024 sa Training Room ng New Tayabas City Hall.
 
Kinapalooban ang pag-aaral ng pagtuklas ng tamang variety ng mais, inter-cropping, weed management, crop production at tamang pataba sa loob ng mahigit sampung linggo.
 
Proyekto ito ng Agriculture Technology Institute-Calabarzon, isang attached-agency ng Department of Agriculture, at ipinatupad sa Lungsod ng Tayabas sa pamamagitan ng City Agriculture Office.
Naglaan ng oras si Mayor Lovely Reynoso-Pontioso para makadalo sa pagtatapos at nagbahagi ng maigsing mensahe ng suporta sa masisipag na corn farmers.
 
Naging panauhin sa graduation ceremony sina DA-ATI Center Director Dr. Rolando Maningas, Corn Provincial Director Jennifer Bascoguin, Center Director PCC UPLB Dr. Thelma Saludes at City Agriculturist Rommel Abuyan.
SHARE ON
Scroll to Top