06
Nov 2023
News
FLAG RAISING CEREMONY
FLAG RAISING CEREMONY
November 6, 2023
New Tayabas City Hall Building, Barangay Baguio.
Isinagawa ang Flag Raising Ceremony para sa unang Lunes ng buwan ng Nobyembre 2023, na pinangunahan ng City Health Office sa New Tayabas City Hall sa Barangay Baguio ngayong umaga.
Dumalo sa seremonya si Mayor Lovely Reynoso-Pontioso kasama ang mga Konsehal na sina Elsa Rubio, Carmelo Cabarrubias, at SKF Pres. Art Tristian Pontioso. Samantalang si Rev. Fr. Roy Macatangay ang isa sa mga namuno sa pagkalahatang panalangin katulong sina Ptr. Ronnie at Ptr. Jun.
Matapos ang seremonya ng pagtataas ng watawat at panunumpa ay pinangunahan ng City Health Office ang isang zumba dance upang pasiglahin ang umaga ng mga empleyado ng Pamahalaang Lungsod ng Tayabas.
Nagkaroon din ng pagkakataon na bumati ang mga Konsehal na sina Elsa Rubio, Carmelo Cabarrubias, at SKF Pres. Art Tristian Pontioso.
Sa pangalawang bahagi ay binigyang daan ang mga anunsyo ng iba’t-ibang tanggapan. Ipinaalam ng City Health Office na sa November 10 ay magsasagawa sila ng Blood Donation ang Awarding sa Casa Communidad sa ganap na 8:00am hanggang 12:00nn.
Inanunsyo naman ng City Social Welfare Development Office na ngayong buwan ng Nobyembre ay ipagdiriwang ang 31st National Children’s Month na may temang Healthy, Nourished, Sheltered: Ensuring the Right to Life for All.
Isinara ang palatuntunan sa pangwakas na pananalita ni Mayor Lovely Reynoso-Pontioso na muling pinaalalahanan ang mga kawani na patuloy na maglingkod na may ngiti sa labi. At ang palaging isabuhay ang Serbisyong may Puso.