
22
Feb 2024
News
TAYABAS FREE PUBLIC WI-FI.

TAYABAS FREE PUBLIC WI-FI. Bilang paghahanda sa implementasyon ng Phase 2 ng Tayabas Free Public Wi-fi Project kung saan nakatakdang lagyan ng wireless internet connectivity ang natitirang labing-anim (16) na barangay ay nagsagawa ng ocular inspection ang mga tauhan ng OCM-ICT Section sa pamumuno ni Dr. Raymund Bermudez.
Layunin ng inspection na matukoy ang angkop na uri ng gagawing connection ng free wi-fi sa bawat barangay ayun sa kalagayan ng kapaligiran at mga dadaanan. Nais masiguro kung ang gagamitin ay fiber optic cable, point-to-point connection o via satellite.
Ipinag-utos ni Mayor Lovely Reynoso-Pontioso ang agarang pagsasagawa ng proyekto para masigurong lahat ng 66 na barangay ay malagyan ng Tayabas Free Public Wi-Fi.

