20
Feb 2024
Health
News
TINGNAN || BARANGAY SILANGANG DOMOIT NAMAN ANG PINUNTAHAN NG SERBISYONG REYNOSO CARAVAN, PARA IPAABOT ANG IBA’T-IBANG URI NG SERBISYO SA MAMAMAYAN.
TINGNAN || BARANGAY SILANGANG DOMOIT NAMAN ANG PINUNTAHAN NG SERBISYONG REYNOSO CARAVAN, PARA IPAABOT ANG IBA’T-IBANG URI NG SERBISYO SA MAMAMAYAN.
Lubos ang pasasalamat ng mga mamamayan ng Barangay Silangang Domoit sa muling pagdalaw ng Serbisyong Reynoso Caravan sa kanilang lugar para magsagawa ng mga libreng serbisyong pangkalusugan at iba’t-iba pang social services ng pamahalaang lokal.
Pinamunuan ng Office of the City Mayor-Mobile Health and Medical Emergency Response Team (OCM-MHMERT) ang Serbsiyong Reynoso Caravan para maghatid ng libreng serbisyo kagaya ng konsulta, ECG, X-ray, iba’t-ibang uri ng laboratory at diagnostic and dental services. Nandoon din ang mga kawani ng City Social Welfare and Development Office (CSWDO), City Environment and Natural Resources Office (CENRO) at Office of the City Library para magsagawa ng offsite services.
Nanguna sa caravan si OCM-MHMERT Team Leader and Assistant City Health Officer, Dr. Ma. Graciela Derada-De Leon, sa paghahatid ng iba’t-ibang serbisyo ng Pamahalaang Lokal ng Lungsod ng Tayabas sa Barangay Hall ng Silangang Domoit ngayong Martes, February 20, 2024.
Nagsisilbing panuntunan sa paglilingkod ng Serbisyong Reynoso caravan ang palaging pangako ni Mayor Lovely Reynoso-Pontioso na “sa Lungsod ng Tayabas ang pag-aalaga sa kalusugan ng mga Tayabasin ay patuloy na nasa puso natin. At ang Serbisyong Reynoso Caravan ay patunay ng pagpapahalaga sa kalusugan nating lahat.”
Related Articles
Popular Category
Recent Posts
- Health|
- 19 hours ago
TINGNAN || 300 PACKS OF RELIEF GOODS, NATANGGAP...
- Health|
- 19 hours ago
TINGNAN || INDIGENOUS PEOPLES’ GAMES 2024
- Health|
- 3 days ago