GMA NETWORK KAPUSO FOUNDATION’S NEWBORN SCREENING CARAVAN DUMAYO SA LUNGSOD NG TAYABAS.

GMA NETWORK KAPUSO FOUNDATION’S NEWBORN SCREENING CARAVAN DUMAYO SA LUNGSOD NG TAYABAS.
21 Oct 2024

Health

News

GMA NETWORK KAPUSO FOUNDATION’S NEWBORN SCREENING CARAVAN DUMAYO SA LUNGSOD NG TAYABAS.

Animnapu’t anim (66) na bagong silang na sanggol ang sumailalim sa newborn screening sa isinagawang Quezon Newborn Screening Caravan 2024 ng DOH-Center for Health Development IV-A in partnership with GMA Network Kapuso Foundation, Inc. sa Silungang Bayan ng Tayabas ngayong Huwebes, October 17, 2024.

Magkakatuwang sa pagpapadaloy ng mga gawain ang mga tauhan at kinatawan ng Tayabas City Health Office, Quezon Provincial Health Office, GMA Kapuso Foundation, Our Lady of Candelaria Lying-In Clinic, Alido Lying-In Clinic, St. Therese Lying-In Clinic, Janefebmars Lying-In Clinic, Our Lady of Good Remedy Lying-In Clinic, at Lucky Angels Lying-In Clinic.

Ikinatuwa ni Mayor Lovely Reynoso-Pontioso ang pagsasagawa ng Newborn Screening Caravan sa Lungsod ng Tayabas dahil lubha itong napakinabangan ng mga magulang at ng kanilang bagong silang na anak.

Sa kanyang mensahe, ipinagmalaki ni Mayor Lovely ang patuloy na suporta ng kanyang administrasyon sa mga gawaing pangkalusugan. Aniya, mula sinapupunan hanggang ipanganak ay tinututukan ng mga kawani at mga volunteer ng City Health Office ang kalusugan ng ina at sanggol upang masigurong tama at normal ang pagdadalantao hanggang sa ito ay ipanganak. At kaagad na isasailalim ang sanggol sa libreng Newborn Screening. Ito aniya ay prayoridad na programa ng Serbisyong Reynoso at ng Lokal na Pamahalaan ng Lungsod ng Tayabas sa pamamagitan ng City Health Office.

Lubos din ang pasasalamat ni City Health Officer Hernando Marquez, Assistant CHO Graciela Derada-De Leon, at Medical Officer Kristine Del-Moro Oates sa mga nagtaguyod ng Quezon Newborn Screening Caravan. Pinasalamatan din nila ang mga BHS Midwives na buong buhay na nagsiserbisyo sa mamamayan ng Lungsod ng Tayabas.

Ayon naman kay Provincial Health Officer Lorelie G. Salonga, isa ang Lungsod ng Tayabas sa may best practices on health. Dagdag niya, sana ay gawin itong halimbawa ng ibang karatig-bayan at subukang gawin kung ano ang mga ginagawa ng Lungsod ng Tayabas pagdating sa usaping pangkalusugan.

May inihandang hot meals ang mga kawani ng City Nutrition Office sa pangunguna ni CNAO Marinella Chong para sa mga dumalo sa caravan.

Kasamang dumalo ni Mayor Lovely Reynoso-Pontioso sa Quezon Newborn Screening Caravan sina Konsehal Dino Romero, Konsehal Luz Cuadra, Konsehal Carmelo Cabarubbias at Konsehal Elsa Rubio.

SHARE ON
Scroll to Top