14
Jun 2024
News
TINGNAN | PAGGAMIT SA DRRMO-SPECIAL TRUST FUND PARA PONDOHAN ANG REHABILITASYON NG ILANG NASIRANG ISTRUKTURA DULOT NG BAGYONG AGHON, APRUBADO NA NG LOCAL DEVELOPMENT COUNCIL.
TINGNAN | PAGGAMIT SA DRRMO-SPECIAL TRUST FUND PARA PONDOHAN ANG REHABILITASYON NG ILANG NASIRANG ISTRUKTURA DULOT NG BAGYONG AGHON, APRUBADO NA NG LOCAL DEVELOPMENT COUNCIL.
Matapos ang deliberasyon at pagdinig sa panukalang 2023 Supplemental Investment Program No. 2 kung saan nakapaloob ang paggamit sa DRRM Special Trust Fund na tutustus sa gastusin sa pagsasaayos ng nasirang Alitao Esplanade at Mawala Spill Way ay tuluyan ng naaprubahan ito ngayong Huwebes, June 13, 2024 sa isinagawang Local Development Council (LDC) meeting na pinangunahan ni Mayor Lovely Reynoso-Pontioso katuwang sina Konsehal Dino Romero at LnB President Conrado Aragon.
Kabilang sa mga dumalo sa pulong sina City Engr. Christian Tamaño, City Planning and Development Coordinator Gino Zaporteza at City Accountant Dolores Carina Jalbuena.