TINGNAN || SERBISYONG REYNOSO CARAVAN ISINAGAWA SA SITIO TUAKOY BILARAN.

TINGNAN || SERBISYONG REYNOSO CARAVAN ISINAGAWA SA SITIO TUAKOY BILARAN.
10 Jun 2024

Health

News

TINGNAN || SERBISYONG REYNOSO CARAVAN ISINAGAWA SA SITIO TUAKOY BILARAN.

TINGNAN || SERBISYONG REYNOSO CARAVAN ISINAGAWA SA SITIO TUAKOY BILARAN.
 
Tinipon sa lugar na kung tawagin ay Bilaran sa Tuakoy ang mga residente ng Barangay Banilad, Opias at Mateuna para makinabang sa mga serbisyong handog ng Serbisyong Reynoso Caravan ngayong Martes, June 4, 2024.
 
Pumunta si Mayor Lovely Reynoso-Pontioso sa pinagsasagawaan ng caravan para makadaupang-palad ang mga dumating na residente ng nasabing mga barangay.
 
Matapos ang nagdaang bagyo ay kagyat na muling umarangakada ang Serbisyong Reynoso Caravan para ilapit at hindi na nahirapan ang mga naninirahan sa nasabing lugar para magpakonsulta, magpa-ECG, magpa-X-ray, sumailalim sa iba’t-ibang uri ng laboratory services, maging mga diagnostic ng OCM-MHMERT at dental services ang mga tauhan CHO-Dental Section.
 
Samantalang nagsagawa ng offsite services ang mga tanggapan ng City Social Welfare and Development Office (CSWDO), City Civil Registry Office (CCRO), Office of the City Library at City Veterinary Office, City Agriculture Office, City Environment and Natural Resources Office.
 
Mas pinabilis din ang App Registration and Issuance ng Tayabazen Card dahil sa kasabay na onsite service ng mga tauhan ng OCM-Information Communication and Technology (ICT) Section.
 
Kagaya ng palaging pangako ni Mayor Lovely Reynoso-Pontioso, “sa Lungsod ng Tayabas ang pag-aalaga sa kalusugan ng mga Tayabasin ay patuloy na nasa puso natin.” At ang Serbisyong Reynoso Caravan ay patunay ng pagpapahalaga sa kalusugan nating lahat.
SHARE ON
Scroll to Top