TINGNAN || SERBISYONG REYNOSO CARAVAN SA SITIO ISLA VERDE.

TINGNAN || SERBISYONG REYNOSO CARAVAN SA SITIO ISLA VERDE.
18 Jul 2024

Health

News

TINGNAN || SERBISYONG REYNOSO CARAVAN SA SITIO ISLA VERDE.

TINGNAN || SERBISYONG REYNOSO CARAVAN SA SITIO ISLA VERDE.
 
Inilapit sa mga naninirahan sa Sitio Isla Verde, Barangay Opias ang serbisyong handog ng Serbisyong Reynoso Caravan noong Martes, July 16, 2024 para hindi na mahirapan ang mga residente na magpakonsulta, magpa-ECG, magpa-X-ray, sumailalim sa iba’t-ibang uri ng laboratory services at diagnostic services ng OCM-MHMERT. Maging ang mga dental services CHO-Dental Section.
 
Nandoon din para magserbisyo “offsite” ang mga tanggapan ng City Social Welfare and Development Office (CSWDO), Office of the City Library at City Veterinary Office.
 
Mas pinabilis din ang pagpaparehistro ng Philippine Identification Card o National ID dahil sa kasabay na onsite service ng mga tauhan ng Philippine Statistics Authority Office. Maging ang App Registration and Issuance ng Tayabazen Card ay isinagawa din sa nasabing lugar ng mga tauhan ng OCM-Information Communication and Technology (ICT) Section.
 
Naging katuwang sa isinagawang Serbiyong Reynoso Caravan ang Knights of Columbus sa pangunguna ni WSK Amado Gob at Former Councilor Albert Dimaranan sa pagpapagamit ng kanilang tahanan para sa maayos na pagsasagawa ng caravan. Dumalaw din sa lugar sina Konsehal Elsa Rubio, Konsehal Luz Cuadra, Former Councilor Precy Glorioso at Former Councilor Oni Tabernilla.
 
Pinangunahan ng mga tauhan ng Office of the City Mayor-Mobile Health and Medical Emergency Response Team ang Serbisyong Reynoso Caravan bilang pagtupad sa pangako ni Mayor Lovely Reynoso-Pontioso “na sa Lungsod ng Tayabas ang pag-aalaga sa kalusugan ng mga Tayabasin ay patuloy na nasa puso natin. At ang Serbisyong Reynoso Caravan ay patunay ng pagpapahalaga sa kalusugan nating lahat.”
SHARE ON
Scroll to Top