ANIMNAPU’T ANIM NA BAGONG HALAL NA SANGGUNIANG KABATAAN CHAIRPERSONS NG LUNGSOD NG TAYABAS, SUMAILALIM SA SK MANDATORY TRAINING (SKMT).

ANIMNAPU’T ANIM NA BAGONG HALAL NA SANGGUNIANG KABATAAN CHAIRPERSONS NG LUNGSOD NG TAYABAS, SUMAILALIM SA SK MANDATORY TRAINING (SKMT).
10 Nov 2023

Events

News

ANIMNAPU’T ANIM NA BAGONG HALAL NA SANGGUNIANG KABATAAN CHAIRPERSONS NG LUNGSOD NG TAYABAS, SUMAILALIM SA SK MANDATORY TRAINING (SKMT).

Nov. 9, 2023
 
ANIMNAPU’T ANIM NA BAGONG HALAL NA SANGGUNIANG KABATAAN CHAIRPERSONS NG LUNGSOD NG TAYABAS, SUMAILALIM SA SK MANDATORY TRAINING (SKMT).

Kaagad din nanumpa sa tungkulin sa harap ni Mayor Lovely Reynoso-Pontioso ang 66 na SK Chairpersons matapos ang SK Mandatory Training kahapon araw ng huwebes, November 9, 2023, sa Training Room ng New Tayabas City Hall.
 
Malalim at malaman ang naging buod ng mensaheng iniwan ni Mayor Lovely Reynoso-Pontioso sa mga bagong pinuno ng Sangguniang Kabataan na tumutukoy sa katagang “a leader unites, the dictator divides.” Binigyang diin din niya ang kahalagahan ng pagkakaisa ng mga SK Chairpersons.
 
Pinangunahan ni CLGOO Fe B. Roales ang pagsasanay ng mga lider-kabataan kasama sina SP Secretary Arlene Tablelon at DILG Quezon Cluster 1 Head Vilma de Torres.
 
Sa mensahe naman ni SK Federation President Art Tristian Pontioso ay sinigurado niya ang suporta sa Sangguniang Kabataan. Nilinaw din niya na sa kanyang panunungkulan ay pinagtuunan niya ang social welfare ng mga kabataan.
 
Naging saksi sa panunumpa sina Vice Mayor Rosauro “Oro” Dalida, Councilor Dino Romero, Councilor Elsa Rubio, LnB President Rommel Barrot, SK Pres. Art Tristian Pontioso, LYDO Mary Jonabelle Llaneta at CLGOO Fe Roales.
 
Ang mga kapapanumpang SK Chairpersons ay nakatakdang maglingkod sa loob ng dalawang taon hanggang 2025 ayun sa itinatakda ng batas.
SHARE ON
Scroll to Top