08
Jan 2024
Events
News
TINGNAN || UNANG FLAG RAISING CEREMONY SA TAONG 2024 NG PAMAHALAANG LOKAL NG LUNGSOD NG TAYABAS
TINGNAN || UNANG FLAG RAISING CEREMONY SA TAONG 2024 NG PAMAHALAANG LOKAL NG LUNGSOD NG TAYABAS
“Do good in everything that you do, see good in everyone that you meet, feel good in every situation that comes your way. Walang ‘Rewind’ ang buhay kaya ngayon pa lang gawin na natin ang ating mga mabuting magagawa. Sa mga ngayon pa lang magsisimula, ito ang tamang araw para gawin ang tama. At sa pagtatapos ng taon, masasabi nating nagawa natin ang ating misyon sa buhay.”
Ganito inilatag ni Mayor Lovely Reynoso-Pontioso ang kanyang mensahe sa isinagawang unang flag raising ceremony sa taong 2024 ngayong Lunes, January 8, sa Atrium ng New Tayabas City Hall.
Pinangunahan ng OCM-Cultural Heritage and Preservation Office ang seremonya na dinaluhan ng mga opisyal at kawani ng pamahalaang lokal sa pamumuno ni Mayor Lovely Reynoso-Pontioso at Vice Mayor Rosauro “Oro “ Dalida. Nandoon din ang mgo konsehal kabilang si Konsehal Luz Cuadra na kababalik lang buhat sa isang mahabang medical leave.
Matapos ang mga seremonya ng pagtataas ng watawat ay agad na isinagawa ng Cooperative Development Office ang ceremonial awarding of capital assistance cheque worth P 1M sa Getmpc.
Binigyang daan din ang pagpaparangal sa mga atletang nagkamit ng medalya sa katatapos na Batang Pinoy National Sports Competition. Na sinundan ng awarding of certificate of recognition sa CDRRMO kaugnay ng mga natanggap ng pagkilala buhat sa regional at national DRRMC.
Isa-isa ding kinalala at binigyan ng certificate of recognition ang mga bagong integrated schools sa Lungsod ng Tayabas sa pamumuno ni SDS Celedonio Valderas, Jr.
May mahigpit namang paalala ang HRMO sa mga kawani hinggil sa hindi tamang pagpa-punch ng DTR o Daily Time Record na ipinakikisuyo sa kanilang mga kasamahan sa tanggapan.
Nagsara ang palatuntunan sa mensahe ng pagbati ni Vice Mayor Oro Dalida at sa masigla at makahulugang pananalita ni Mayor Lovely Reynoso-Pontioso na nagbibigay ng inspirasyon sa pagharap ng mga lingkod-bayan sa mga gawain, responsibilidad at hamon ng taong 2024, kung saan humugot ang punong-lungsod ng mensahe sa kahulugan ng kanyang inihandang prosperity bowl at ng pelikulang “Rewind.”