10
Nov 2023
TINGNAN || SIX HUNDRED SIXTY-SIX (666) INDIVIDUALS-IN-CRISIS SITUATION BUHAT SA SIXTY-SIX (66) BARANGAY NG LUNGSOD NG TAYABAS ANG NABIYAYAAN NG TATLONG LIBONG AYUDA BUHAT SA TANGGAPAN NI SENATOR IMEE MARCOS.
Kasalukuyang nakapila sa Atrium ng New Tayabas City Hall ang animnadaan animnapu’t anim na indibidwal na dumadaan sa kagipitan sa pambili ng gamot, pagkain at iba pang pangangailangan o iyong mga tinatawag na individual-in-crisis-situation para tumanggap ng tig-tatatlong libong pisong (P3000) ayuda buhat sa tanggapan ni Senator Imee Marcos.
Naisakatuparan ang pamamahagi ng ayuda sa pakikipag-ugnayan ni Mayor Lovely Reynoso-Pontioso sa tanggapan ng senadora kung saan ang DSWD Calabarzon Regional Office ang namamahala sa pagproseso ng pondo at payout ng ayuda sa pakikipagtulungan ng City Social Welfare and Development Office.
Muling ipinagmalaki ni Mayor Lovely Reynoso-Pontioso na sa pamamagitan ng Tayabazen App ay mas mapapadali ang pagpoproseso ng paghingi ng ayuda ng mga mamamayang Tayabasin na dumadaan sa matinding pagsubok sa buhay.
Dumalo din at nagbigay ng mensahe sina Konsehal Melo Cabarrubias, Konsehal Elsa Rubio, LnB President Rommel Barrot at CSWDO Irma Ilocario.