Agriculture
News
ANGKOP NA VARIETY NG MAIS, INTER-CROPPING, WEED MANAGEMENT, CROP PROTECTION AT TAMANG PATABA, NATUTUNAN SA FARMER FIELD SCHOOL ON CORN PRODUCTION.
“Season-long learning activity on corn farming” ang ginawang pagsasanay ng mga Tayabasing corn farmers na nagpatala sa Farmer Field School on Corn Production.
Ang nasabing farmer field school ay proyekto ng Agricultural Technology Institute-Calabarzon, isang attached-agency ng Department of Agriculture, at ipinatupad sa Lungsod ng Tayabas sa pamamagitan ng City Agriculture Office.
Nagsimula ang learning activity noong July 26, 2024 kung saan nagsagawa ang dalawang grupo ng corn farmers ng land preparation para tamnan ng iba’t-ibang variety ng mais noong August 1 and 2. Linggo-linggo nilang sinusukat ang mga dahon ng itinanim na mais at pinag-aaralan ang estado ng mga itinanim na corn variety.
Makalipas ang mahigit sampung linggo, noong October 8, 2024 ay inani ng mga kalahok ang naging bunga ng mga itinanim na mais.
Ang dalawang grupo ay binubuo ng 70 corn farmers buhat sa iba’t-ibang barangay ng Lungsod ng Tayabas, at sila ay humarap sa mga hurado para sagutin ang mga katanungan tungkol sa kanilang natutunan sa pagtatanim ng mais, intercropping, weed management trial, crop protection, fertilizer trial, at varietal trial.
Kahapon, October 9, 2024 ay masayang nakiisa sa data presentation si Mayor Lovely Reynoso-Pontioso, na dinaluhan din nina Provincial Corn Coordinator Anna Lorecyll B. Grinel, Corn Technician Roy Panopio at City Agricultural Technologist Rhea Agudilla. Nakaalalay naman sa activity sina Engr. Fritz Robenick Tabernilla at mga kawani ng City Agriculture Office.
Nakatakdang idaos ang graduation ceremony ng mga nakilahok na corn farmers sa Farmer Field School on Corn Production sa darating na November 8, 2024.