LIMAMPUNG BULILIT HEALTH WORKERS, NAGTAPOS SA PAGSASANAY.

LIMAMPUNG BULILIT HEALTH WORKERS, NAGTAPOS SA PAGSASANAY.
26 Feb 2025

Education

Health

News

LIMAMPUNG BULILIT HEALTH WORKERS, NAGTAPOS SA PAGSASANAY.

Dalwampung (20) lalaki at tatlumpung (30) babaeng mag-aaral ang nagtapos ng pagsasanay bilang Bulilit Health Workers sa seremonyang ginanap sa Dapdap Integrated School Covered Court ngayong Miyerkules, Pebrero 26, 2025.
 
Ang Bulilit Health Workers ay programa ng Office of the City Mayor-MHMERT sa pakikipagtulungan ng Quezon Medical Society at DepEd Tayabas kung saan sinanay ang mga bata sa pagkuha ng body temperature, pagsukat ng height and weight, at blood pressure upang sa murang edad pa lamang ay mahasa na sila sa gawaing may kinalaman sa pangangalaga ng kalusugan at makatulong na sa kanilang tahanan at pamayanan.
 
Dumalo sa seremonya via zoom si Bulilit Health Worker Founder-Dr. Benito Atienza, QMS President Dr. Marga Elaine J. Villamayor l, at Assistant City Health Officer/MH MERT Team Leader Maria Graciela D. De Leon.
 
Si Teacher Emily Camil Flores at Megan Zoleta ang nagsilbing tagapagpadaloy ng programa.
SHARE ON
Scroll to Top