
04
Mar 2025
News
PAGBABAWAL SA PAGGAMIT NG PLASTIC, TINALAKAY SA 1st QUARTER MEETING NG INTEGRATED ECOLOGICAL SOLID WASTE MANAGEMENT BOARD.

Tinalakay ng mga miyembro ng Integrated Ecological Solid Waste Management Board (IESWMB) ang pagpapatupad ng City Ordinance No. 17-01: Regulating the Use of Plastic Bags and Expanded Polystyrene (styrofoam) Food Containers sa Lungsod ng Tayabas sa ginanap na 1st Quarter Meeting ngayong Martes, March 4, 2025 sa Training Room ng New Tayabas City Hall.
Nakatakdang ipatupad ang batas kontra plastik ngayong darating na Hunyo 2025 sa nasasakupang ng Lungsod ng Tayabas.
Naging tagapamuno sa pulong si Tayabas City ENRO Melvin Rada kung saan malinaw na inilatag ang layunin na maiwasan ang paggamit ng mga plastic at styrofoam sa Lungsod ng Tayabas.
Kabilang pa rin sa napag-usapan ang gagawing resolusyon na tumutukoy sa pagkakaroon ng plantilla positions sa tanggapan ng Ecological Solid Waste Management Unit. Gayundin ang pagsasaayos ng sanitary landfill sa Ecopark.

