
06
Mar 2025
Health
News
Technology
INIHATID SA MGA TAGA ILAYANG NANGKA ANG SERBISYONG MAY PUSO MOBILE HEALTH SERVICES.

Nakinabang ang mga residente ng Barangay Ilayang Nangka sa libreng konsulta sa doktor na may kaukulang libreng gamot, at iba pang Serbisyong May Puso Mobile Health Services.
Samantala, nandoon din ang OCM-Information and Communication Technology (ICT) Section para mas pabilisin ang App Registration and Issuance ng Tayabazen Card.
Naging katuwang ng OCM-MHMERT sa Mobile Health Services ang mga Barangay Health Workers (BHW) ng Barangay Ilayang Nangka.
Ang Serbisyong May Puso Mobile Health Services ay inilunsad para ipagkaloob sa mga residente ng Lungsod ng Tayabas ang mga libreng serbisyong medikal.

