
26
Feb 2025
News
OPERASYON KONTRA KOLORUM IKINASA NGAYONG MIYERKULES.

Umabot sa dalwampu’t limang (25) traffic violators ang nahuli ngayong Miyerkukes sa isinagawang operasyon. Tatlo (3) dito ang kolorum, sampu (10) ang walang lisensya, apat (4) ang hindi nakarehistro, at labing-apat (14) ang walang helmet.
Pinagasiwaan ng mga tauhan ng OCM-Traffic Operations Section at Tayabas Component City Police Station ang operasyon ngayong Miyerkules, February 26, 2025.
Layunin ng operasyon na mapasunod ang mga namamasadang tricycle driver at motorista sa mga patakaran at panuntunan na nakapaloob sa City Traffic Ordinance Number 21-27.
Bukod sa pag-impound sa mga nahuling kolurum ay pagmumultahin sila ng halagang limanlibong piso (P5,000).
Patuloy na nagpapaalala ang mga tauhan ng Traffic Operations Section na sumunod sa batas trapiko at ibang alituntunin sa kalsada upang maiwasan ang abala at multa sa paglabag.
Pinapakiusapan rin ang sinumang may-ari ng mga tricycle na wala pang prangkisa na magproseso sa business permit and licensing office (BPLO) upang hindi na makapagmulta at maging patas sa mga lehitimong drayber at operator na may valid na prangkisa.

