Health
News
FREE BODY FAT AND WELLNESS CHECK, IBA PANG HEALTH SERVICES, HANDOG SA MGA TINDERO AT TINDERA NGAYONG VENDOR’S HEALTH FAIR AND AWARENESS DAY!
Sandaan animnapu’t walong (168 ) vendors ang nakinabang sa mga serbisyong pangkalusugan hatid ng Office of the City Mayor – Mobile Health and Medical Emergency Response Team (MH-MERT) ngayong Biyernes, October 18, 2024 sa Vendor’s Health Fair and Awareness Day.
Sumailalim sa libreng konsultasyon, gamot, laboratory procedures, ECG, chest x-ray, at ultrasound ang mga vendors. May ilan ding stroke survivors na nagpalista para sa libreng physical therapy sessions.
Isinagawa din ng OCM-Information and Communication Technology (ICT) Section ang pagpoproseso ng Registration and Issuance ng Tayabazen Smart Card.
Pinamahalaan ng OCM-MHMERT sa pamumuno ni Assistant City Health Officer Dr. Maria Graciela D. De Leon ang Vendors’s Health Fair and Awareness Day sa Trading Post ng Tayabas Public Market.
Bukod sa health consultation and other services ay nagkaroon ng maikling pagtalakay sa lifestyle disease na hypertension and diabetes sina Dra. Dara Danica M. Dañez at Dra. Rachel A. Maranan-Padlan Pumida.
Nandoon din para makadaupang-palad ang mga vendors sina Mayor Lovely Reynoso-Pontioso at Konsehal Elsa Rubio.