18
Mar 2024
News
TINGNAN || HALAGANG P920,000 NA AYUDA ANG IPINAMAHAGI SA 267 INDIVIDUAL-IN-CRISIS-SITUATION (AICS).
TINGNAN || HALAGANG P920,000 NA AYUDA ANG IPINAMAHAGI SA 267 INDIVIDUAL-IN-CRISIS-SITUATION (AICS).
Dalawandaan animmnapu’t pitong (267) mga Tayabasin na dumaraan sa kakapusan ng pangtustos sa pambili ng gamot, gatas, diaper, pampatherapy at pampalibing ng namayapang kamag-anak ang tumanggap ng Aid for Individual in Crisis Situation (AICS) sa ginawang pay-out ngayong Biyernes, March 15, 2024.
Pinangunahan ni Mayor Lovely Reynoso-Pontioso ang pamimigay ng tulong sa mga kinakapos na kababayan sa ginawang pay-out sa New Tayabas City Hall.
Ipinaparamdam ni Mayor Lovely Reynoso-Pontioso ang pagmamalasakit sa mga nahihirapan nating kababayan sa nilalaman ng kanyang mensahe na handang tumulong ang pamahalaan at sinabing paglipas ng anim na buwan ay maaari silang muling mag-asikaso ng paghingi ng ayuda sa City Social Welfare and Development Office kung patuloy na mangangailangan.
Umabot sa halagang siyamnadaan dalwampung libo piso (Php920,000) ang ipinamahaging tulong sa mga benepisyaryong kinabibilangan ng animnapu’t tatlong (63) senior citizens medical assistance, isandaan animnapu’t isang (161) medical assistance for individuals in crisis situation, dalawampu’t apat (24) na senior citizen burial assistance, labinlima (15) na burial assistance for indigents, isang ( 1 ) milk assistance, isang ( 1 ) diaper assistance at isang ( 1 ) therapy assistance.
Related Articles
Popular Category
Recent Posts
- Health|
- 16 hours ago
TINGNAN || 300 PACKS OF RELIEF GOODS, NATANGGAP...
- Health|
- 16 hours ago
TINGNAN || INDIGENOUS PEOPLES’ GAMES 2024
- Health|
- 2 days ago