GANDANG WALANG KUPAS-MENOPAUSE WELLNESS CLUB ANNUAL CONVENTION, ISINAGAWA

GANDANG WALANG KUPAS-MENOPAUSE WELLNESS CLUB ANNUAL CONVENTION, ISINAGAWA
03 Mar 2025

Events

GAD

Health

News

GANDANG WALANG KUPAS-MENOPAUSE WELLNESS CLUB ANNUAL CONVENTION, ISINAGAWA

Kaalinsabay ng pagbubukas ng taunang pagdiriwang ng International Women’s Month ay ginanap ngayong Lunes, March 3, 2025, ang Gandang Walang Kupas-Menopause Wellness Club sa Atrium ng New Tayabas City Hall.
 
Umaga pa lamang ay nakilahok na ang mga kasapi ng club sa Women’s Month Walk at Flag Raising Ceremony.
 
Bahagi ng okasyon ang pagtuturo ng health and wellness ng mga kababaihang nasa menopausal stage na ginampanan ni Dr. Ana Maria Carmen Zaballero, at Dr. Teresa V. Batario na nagturo tungkol sa Menopause and Osteoporosis.
 
Dinagsa rin ng mga kababaihan ang libreng bone screening, anemia testing, breast and cervical cancer screening, body fat check, eye refraction, Papsmear, haircut, manipedn at livelihood seminar. Namahagi rin ng Marinova Skin Care Package at Eyebrow Microblading (para sa mga piling kalahok), Ever Bilena Makeup session.
 
Ang annual convention ay pinamahalaan ng Office of the City Mayor (OCM)-Mobile Health and Medical Emergency Response Team (MHMERT) at City Gender and Development (GAD) Office.
 
Nasa likod ng matagumpay na Gandang Walang Kupas-Menopause Wellness Club si Mayor Lovely Reynoso-Pontioso na nagsusulong na mapangalagaan ang kanilang kalusugan at pangangatawan.
SHARE ON
Scroll to Top