
10
Mar 2025
News
MGA KWALIPIKADONG MIYEMBRO NG SOLO PARENTS, TUMANGGAP NG CASH SUBSIDY PARA SA BUWAN NG ENERO AT PEBRERO.

Ipinamahagi ngayong Lunes, March 10, 2025 ng mga tauhan ng City Treasurer’s Office at City Social Welfare and Development Office ang cash subsidy mula sa Pamahalaang Lokal ng Lungsod ng Tayabas sa tatlundaan labintatlung (313) kwalipikadong solo parents para sa buwan ng Enero 2025. Gayundin sa tatlundaan dalawampu’t limang (325) kwalipikadong solo parents para sa buwan ng Pebrero 2025.
Ang mga nagparehistrong kwalipikadong solo parents ay regular na nakakatanggap ng P1,000 monthly cash subsidy buhat sa Lokal na Pamahalaan ng Lungsod ng Tayabas.
Hindi nakapunta sa pamamahagi si Mayor Lovely Reynoso-Pontioso kaya ang kanyang kinatawan ang nagbahagi ng kanyang mensahe para sa mga miyembro ng solo parents.

