MGA BAGONG KAWANI NG PAMAHALAANG LOKAL NG LUNGSOD NG TAYABAS, NANUMPA SA TUNGKULIN

MGA BAGONG KAWANI NG PAMAHALAANG LOKAL NG LUNGSOD NG TAYABAS, NANUMPA SA TUNGKULIN
25 Mar 2025

News

MGA BAGONG KAWANI NG PAMAHALAANG LOKAL NG LUNGSOD NG TAYABAS, NANUMPA SA TUNGKULIN

Pormal na nanumpa sa tungkulin sa harap ni Mayor Lovely Reynoso-Pontioso ang mga bagong kawani ng pamahalaang lokal. Kabilang dito ang tatlong bagong kawani ng City Accounting Office na sina Aisa Baracael (Accounting Clerk II), John Christian Cuadra (Accounting Clerk II), at Glaiza Cabuyao (Accounting Clerk II). Gayundin ang tatlong bagong kawani ng General Services Office (GSO) na sina Marvin Quesea (Laborer I), Kim Irvin Alvarez (Mechanic III), at Joshua Miguel R. Valderamos (Mechanic III).
 
Nanumpa namang bilang Tourist Receptionist-I sa tanggapan ng OCM-Tourism Administrative Section si John Patrick Razalan. Samantalang nanumpa si Carlos Geremy Rojas bilang Draftsman-II sa ilalim ng Office of the City Architect.
 
Sinaksihan ng mga kapamilya at mga katrabaho ang kanilang panunumpa sa harap ni Mayor Lovely Reynoso-Pontioso.
 
Lahat sila ay dumaan sa mahigpit na panuntunan at pagsasala ng Personnel Selection Board bago mabigyan ng appointment bilang plantilla employees.
 
Ang Human Resource Management Office sa pamumuno ni Mary Jane Z. Calupig ang nangasiwa sa mahabang proseso ng hiring hanggang sa naganap na oath taking ngayong Martes, March 25, 2025.
SHARE ON