PAGGAWA NG TILAPIA ICE CREAM ITINURO SA MGA MYEMBRO NG RIC AT TAYABAS FISHERIES AQUACULTURE INC.

PAGGAWA NG TILAPIA ICE CREAM ITINURO SA MGA MYEMBRO NG RIC AT TAYABAS FISHERIES AQUACULTURE INC.
06 Dec 2023

Agriculture

News

PAGGAWA NG TILAPIA ICE CREAM ITINURO SA MGA MYEMBRO NG RIC AT TAYABAS FISHERIES AQUACULTURE INC.

Dec. 5, 2023
 
PAGGAWA NG TILAPIA ICE CREAM ITINURO SA MGA MYEMBRO NG RIC AT TAYABAS FISHERIES AQUACULTURE INC.
 
Limampung (50) participants mula sa samahan ng Rural Improvement Club (RIC) at Tayabas Fisheries Aquaculture Inc. ang tinuran ng mga tauhan mula sa City Agriculture Office ng paggawa ng Tilapia Ice Cream.
 
Isinagawa ang pagsasanay sa Barangay Hall ng Lakawan kahapon araw Martes, December 5, 2023.
 
Kasabay nito ang pag lalagay ng semilya ng mga tilapia sa mga ilog na nasasakupan dito sa ating syudad ng Tayabas, kabilang na dito ang ilog ng Barangay Malaoa, Ibas, Camaysa, Lalo, Mateuna, Pandakaki, Silangang Katigan.
 
Umabot sa Pitong daan at walumpu (780) piraso ng semilya ng isda ang ilalagay ito ay para mapanatili ang kagandahan ng ating kalikasan sa ating bayan, kaya ating panatiliin ang kaayosan at kalinisan ng ating kapaligiran upang mapakinabangan din ito ng mga susunod pang henerasyon.
 
Bagamat hindi nakapunta si Mayor Lovely Reynoso-Pontioso ay nagpadala siya ng kanyang kinatawan para iparating ang kanyang mensahe sa mga participants.
SHARE ON
Scroll to Top