28
May 2024
Health
News
TINGNAN || MAHIGIT ANIMNADAANG BATA AT MATANDA ANG NAPAKAIN SA COCINA DE TAYABAS MOBILE KITCHEN.
TINGNAN || MAHIGIT ANIMNADAANG BATA AT MATANDA ANG NAPAKAIN SA COCINA DE TAYABAS MOBILE KITCHEN.
Mainit na samporado at lugaw with dried vegetables ang inihain sa mahigit animnadaang (600) bata at matandang Mateunahin ngayong Lunes, May 27, 2024 nang magsagawa ng feeding activity ang Cocina de Tayabas Mobile Kitchen sa tatlong lugar sa Barangay Mateuna.
Iniutos ni Mayor Lovely Reynoso-Pontioso sa City Nutrition Office ang pagsasagawa ng masustansyang soup kitchen sa Basketball Court ng Mateuna, Bayanihan Isolation Facility at Romarosa Subdivision upang masilbihan ang mga residente doon na lubhang naapektuhan ng nagdaang bagyo.
Karamihan sa mga napakain ay mga umuwi galing sa evacuation center at ang iba ay mga naninirahang informal settlers sa likod ng isolation facility.
Pinamahalaan ni CNAO Manel Zaporteza-Chong kasama ang lahat ng kawani ng Nutrition Office at ilang kawani ng City Social Welfare and Development Office.