21
Nov 2024
News
MAHIGIT SANLIBO DALWANDAANG TAYABASIN NA NASALANTA NG BAGYONG KRISTINE, TUMANGGAP NG FINANCIAL ASSISTANCE BUHAT SA PAMAHALAANG LOKAL NG LUNGSOD NG TAYABAS.
Tinipon sa Atrium ng New Tayabas City Hall ngayong Lunes, November 18, 2024 ang mahigit sanlibo dalwandaang (1,200+) heads-of-the-households na nasalanta ng Bagyong Kristine para tumanggap ng P3,000 financial assistance (totally-damaged-houses), at P1,500 sa mga partially-damaged-houses ayun sa tala ng City Social Welfare and Development Office.
Nagmula ang pondo sa DRRM Quick Response Fund ng Lungsod ng Tayabas matapos ideklara ang state of calamity.
Pinangunahan ni Mayor Lovely Reynoso-Pontioso ang pamamahagi ng financial assistance. Sa kanyang mensahe ay pinaalala niya na panatilihing nakangiti at maging positibo sa buhay. Aniya, kahit madaming pagsubok ang dumarating ay huwag mawalan ng pag-asa dahil may lokal na pamahalaan at Mayor Lovely na nagmamalasakit sa kanila. May Serbisyong Reynoso rin na malalapitan at tutulong sa mga nasalanta.
Nakiisa sa payout sina Konsehal Dino Romero, Konsehal Elsa Rubio, Konsehal Luz Cuadra, Konsehal Carmelo Cabarrubias at CSWDO Irma Ilocario.
Ang mga tauhan ng City Social Welfare and Development Office at City Treasurer’s Office ang namahala sa pamamahagi.