28
Aug 2024
News
NEW CITY HALL, GAD CRISIS CENTER AT SANITARY LANDFILL NG TAYABAS, BINISITA PARA I-BENCHMARK NG MGA OPISYAL NG SAN PABLO CITY, LAGUNA.
Pinangunahan ni San Pablo City Admin Larry S. Amante , City Councillor Angie Yang , Ms. Kristine Amante Picazo Head Executive Assistant, at GAD Officer ang delegasyon ng mga opisyal ng San Pablo City na nagtungo sa New Tayabas City Hall upang magsagawa ng GAD Benchmarking activities ngayong Miyerkules, August 28, 2024.
Siyamnapung (90) miyembro ng LGU San Pablo City ang malugod na tinanggap ng mga tauhan ng GAD Office sa Training Room ng City Hall kung saan nagkaroon ng video presentation on GAD Best Practices ng Lungsod ng Tayabas. Layunin ng pagbisita nila na makita ang istruktura at alamin ang pamamalakad ng lokal ng pamahalaan sa GAD Crisis Center upang magkaroon ng pagkukumpara at pagbabasehan ang kanilang tanggapan sa kagayang pasilidad.
Hindi man personal na nakaharap ni Mayor Lovely Reynoso-Pontioso ang mga bisita ay nagpahayon siya ng mainit na pagtanggap at pagbati sa pamamagitan ng kanyang kinatawan.