11
Jul 2024
Events
News
TINGNAN || TAYABAS CDRRM COUNCIL CHAIRPERSON, CDRRM OFFICER, TUMANGGAP NG PLAKE NG PAPURI SA DRRM SUMMIT 2024.
TINGNAN || TAYABAS CDRRM COUNCIL CHAIRPERSON, CDRRM OFFICER, TUMANGGAP NG PLAKE NG PAPURI SA DRRM SUMMIT 2024.
Kapwa tumanggap ng Plaque of Commendation sina Mayor Lovely Reynoso-Pontioso at Dr. Rosario “Che” Bandelaria sa ginaganap na DRRM Summit 2024 sa Quezon Convention Center ngayong Martes, July 9, 2024.
Ang natanggap na plake ay bunsod ng mahusay na pamumuno at pambihirang kontribusyon sa pagpapatupad ng epektibong pagtugon sa kahandaan, at iba pang interbensyon na makabuluhang nagsulong ng Disaster Risk Reduction AND Management sa Lalawigan ng Quezon, na naging dahilan sa pagkakaluklok ng Lungsod ng Tayabas bilang 23rd Gawad Kalasag Fully Compliant Awardee.
Si Mayor Lovely Reynoso-Pontioso ang kasalukuyang Chairperson ng Tayabas City Disaster Risk Reduction and Management Council. Samantalang si Dr. Che Bandelaria ang City Disaster Risk Reduction and Management Officer.
Si Vice Mayor Rosauro “Oro” Dalida ang kumatawan kay Mayor Lovely sa okasyon at siyang tumanggap ng Plaque of Commendation kasama si Dr. Che Bandelaria at ang CDRRMO personnel. Nandoon din sa DRRM Summit ang mga Punong Barangay ng Lungsod ng Tayabas.
Kabilang sa mga panauhin sa okasyon sina Quezon Governor Helen Tan, OCD Calabarzon Regional Director Carlos Eduardo E. Alvarez III, Philvolcs OIC Dr. Renato U. Solidum, Jr., OCD Administrator USec Ariel F. Nepomuceno, UP Resilience Institute Executive Director Dr. Alfredo Mahar Francisco A. Lagmay, at iba pang pinagpipitaganang opisyal ng pamahalaan.