11
Dec 2024
Health
News
ISINAGAWA ANG SERBISYONG REYNOSO MOBILE HEALTH SERVICES SA MATEUNA BIBLE BAPTIST CHURCH.
Inilapit sa mga miyembro ng Bible Baptist Church, at ilang mga residente ng Barangay Mateuna ang libreng medical consultation, mga gamot, ECG, X-ray at iba’t ibang uri ng laboratory at diagnostic services sa pamamagitan ng Serbisyong Reynoso Mobile Health Services ngayong Biyernes, December 6, 2024.
Pinamunuan ng Office of the City Mayor-Mobile Health and Medical Emergency Response Team (OCM-MHMERT) ang Serbsiyong Reynoso Caravan katuwang ang OCM-Information and Communication Technology (ICT) Section para mas pabilisin ang App Registration and Issuance ng Tayabazen Card.
Kagaya ng palaging pangako ni Mayor Lovely Reynoso-Pontioso, “sa Lungsod ng Tayabas ang pag-aalaga sa kalusugan ng mga Tayabasin ay prayoridad ng administrasyon.” At ang Serbisyong Reynoso Caravan ay patunay ng pagpapahalaga sa kalusugan ng mga Tayabasin.
Related Articles
Popular Category
Recent Posts
- News|
- 2 weeks ago