GOITER, OSTEOPOROSIS, OBESITY, DIABETES OUTREACH DAY (G.O.O.D. DAY), INILUNSAD SA TAYABAS CITY.

GOITER, OSTEOPOROSIS, OBESITY, DIABETES OUTREACH DAY (G.O.O.D. DAY), INILUNSAD SA TAYABAS CITY.
20 Feb 2025

Health

News

GOITER, OSTEOPOROSIS, OBESITY, DIABETES OUTREACH DAY (G.O.O.D. DAY), INILUNSAD SA TAYABAS CITY.

Pinangunahan ng MHMERT o Mobile Health and Medical Emergency Response Team ang pangangasiwa sa ginawang outreach program ngayong Huwebes, February 20, 2025.
 
Ayon kay Dra. Graciella Derada De Leon ay hindi pa ito ang huling outreach program na kanilang ilulunsad kundi simula pa lamang ng ilang serbisyong pang-kalusugan para sa mamamayang Tayabasin.
 
Katuwang ng MHMERT ang mga dalubhasang Doktor mula sa Alliance of Clinical Endocrinologists of the Philippines Foundation o ACE Philippines sa pangunguna ni Dr. Dennis M. Lumabi. Nagpaabot rin siya ng pagbati sa mga magagandang gawain ng Lokal na Pamahalaan ng Tayabas at ipinarating nila na kasama na sila sa mga tutulong sa mga ibang programa na ilulunsad ng Lungsod.
 
Libre ang konsultasyon para sa ilang mga sakit na kabilang sa Goiter, Osteoporosis, Obesity at Diabetes. Si Dr. Demosthenes M. Lumabi ang gumagamot para sa Goiter, si Dr. Edison So naman sa Obesity, si Dr. Katherine Valeros sa Osteoporosis, at si Dr. Yasmin Laura Marie C. Zuñiga sa Diabetes.
 
Nagkaroon din ng pagtalakay para sa mga dapat malaman ng mga nakakaramdam ng mga nasabing sakit. Namigay rin sila ng libreng gamot sa mga nagpakonsulta sa kanila.
 
Personal rin na dumalo sa programa si Mayor Lovely Reynoso – Pontioso at lubos ang kanyang pasasalamat sa mga tumulong na Doctor upang maisakatuparan ang programang ito. Aniya, “huwag sana silang magsawang tumulong sa mamamayan ng Lungsod ng Tayabas dahil isa rin sa kanyang agenda ang tungkol sa kalusugan ng mamamayan at hangad niya na patuloy na magkaroon ng mga ganitong aktibidad.”
 
Bilang pagtatapos ay ipinabatid ni Ace Philippines Vice Pres. Dr. Maria Leonora D. Capellan na panatilihin ang malusog na pangangatawan at huwag hayaang makaranas ng mga sakit na kanilang nabanggit. Nag-abot rin sila ng grocery pack at lunch sa mga mamamayang dumalo. Samantala, nagbahagi din ng hot meals ang City Nutrition Office sa pamumuno ni CNAO/NO-III Marinela Zaporteza-Chong.
SHARE ON
Scroll to Top