Women in Sports 2025: Pagpupugay sa Kakayahan ng mga Kababaihang Tayabasin sa Larangan ng Palakasan

Women in Sports 2025: Pagpupugay sa Kakayahan ng mga Kababaihang Tayabasin sa Larangan ng Palakasan
15 Mar 2025

News

Sports

Women in Sports 2025: Pagpupugay sa Kakayahan ng mga Kababaihang Tayabasin sa Larangan ng Palakasan

Bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng National Women’s Month 2025, inilunsad ngayong Sabado, March 15, 2025, ang Women in Sports.

Lalahukan ng mga kababaihang Tayabasin ang kompetisyon sa larangan ng volleyball, 3×3 basketball at kickball. Nagsimula ang progama sa Zumba Dance bilang warm-up activity.
 
Walumpu’t tatlong (83) kababaihan ang magtutunggali sa larong Volleyball, na hinati sa walong ( 8 ) koponan – Team Pink, Light Pink, Green, Black, Red, Violet at Gray.
 
Naging panauhin sa pagbubukas ng palaro si Mayor Lovely Reynoso-Pontioso na nagbigay ng suporta sa mga babaeng manlalaro sa Lungsod ng Tayabas.
 
Kasalukuyang isinasagawa ang labanan sa volleyball ngayong Sabado sa Silungang Bayan ng Tayabas. Samantalang bukas, araw ng Lingo, March 16, 2025, ay isasagawa ang larong 3×3 Basketball sa Dapdap Covered Court, at Kickball sa Luis Palad Integrated High School.
 
Ang Office of the City Mayor-Sports Development Section ang namamahala sa isinasagawang Women in Sports, sa pamamatnubay ni Sports Development Officer Sarah Zagal
SHARE ON
Scroll to Top