7,530 Kilos ng Plastic Wastes, Nalikom sa Palit-Bigas Project

7,530 Kilos ng Plastic Wastes, Nalikom sa Palit-Bigas Project
28 Mar 2025

News

Other

7,530 Kilos ng Plastic Wastes, Nalikom sa Palit-Bigas Project

Sandaan limampung (150) mga Tayabasin mula sa Cluster 1 at 2 sa Lungsod ng Tayabas ang nakinabang sa isinagawang “Palit Basura Caravan” ng tanggapan ng CENRO-ESWMU sa San Isidro Covered Court at Barangay Hall ng Malao-a noong Huwebes, March 27, 2025.
 
Umabot sa 2,337 kilo ng bigas ang naipamahagi na katumbas ng 4,674 kilo ng plastic wastes sa cluster 1. Samantalang umabot ng 1,428 kilo ng bigas ang naipamahagi katumbas ng 2,428 kilo ng plastic wastes sa cluster 2.
 
Sa bawat dalwang kilong plastic na basura na kanilang naipon ay may katumbas na isang kilong bigas.
 
Ito ay isa sa mga proyekto ng Pamahalaang Lokal ng Lungsod ng Tayabas na inisyatibo ni Mayor Lovely Reynoso-Pontioso upang maiwasan ang mga nakakalat na basura sa Lungsod ng Tayabas.
Isinagawa din ngayong Biyernes ang Palit Basura Caravan para sa Cluster 3 at 4 sa Barangay Dapdap Covered Court at Barangay Lakawan Covered Court.
SHARE ON
Scroll to Top