TINGNAN || ARUGA SA MGA KALALAKIHAN LALO’T HIGIT PARA SA MGA TATAY: CHO’s FATHER’S DAY SPECIAL.

TINGNAN || ARUGA SA MGA KALALAKIHAN LALO’T HIGIT PARA SA MGA TATAY: CHO’s FATHER’S DAY SPECIAL.
21 Jun 2024

Health

News

TINGNAN || ARUGA SA MGA KALALAKIHAN LALO’T HIGIT PARA SA MGA TATAY: CHO’s FATHER’S DAY SPECIAL.

TINGNAN || ARUGA SA MGA KALALAKIHAN LALO’T HIGIT PARA SA MGA TATAY: CHO’s FATHER’S DAY SPECIAL.
 
Tatlumpung (30) mga Tayabasing haligi ng tahanan ang sumailalim sa pagsasanay kung paano maiiwasan ang pagkakaroon ng “Prostate Cancer” at mga lunas kung sakaling magkaroon ng ganitong karamdaman.
 
Ito ang layunin ng Aruga Sa Mga Kalalakihan Lalo’t Higit Para Sa Mga Tatay: Cho’s Father’s Day Special na inorganisa ng Tayabas City Health Office sa pamumuno ni Dr. Hernando Marquez katuwang si Nurse Arvic Jhoanne S. Palayan ngayong Martes, June 18, 2024, sa Training Room 1 ng New Tayabas City Hall.
 
Nagkaroon din ng libreng ultrasound upang masuri ang kanilang pangangatawan, lalabas ang resulta ng kanilang Ultrasound makalipas ang isa hanggang dalawang araw.
 
Nakipag-kumustahan si Mayor Lovely Reynoso-Pontioso sa mga tatay na dumalo sa pagsasanay. At sa kanyang mensahe ay muli niyang tiniyak ang pagbibigay prayoridad ng kanyang administrasyon sa kalusugan kabilang na ang pagtugon sa mga pangangailangan at dagdag kaalaman para maiwasan ang pagkakaroon ng “Prostate Cancer.”
SHARE ON
Scroll to Top