TINGNAN || PAGDIRIWANG NG IKA-46TH NATIONAL DISABILITY RIGHTS WEEK.

TINGNAN || PAGDIRIWANG NG IKA-46TH NATIONAL DISABILITY RIGHTS WEEK.
31 Jul 2024

News

TINGNAN || PAGDIRIWANG NG IKA-46TH NATIONAL DISABILITY RIGHTS WEEK.

TINGNAN || PAGDIRIWANG NG IKA-46TH NATIONAL DISABILITY RIGHTS WEEK.
 
Nagtipon sa Silungang Bayan ng Tayabas ngayong Martes, July 30, 2024 ang mga aktibong miyembro ng Tayabas Federation of Person With Disability sa kanilang pagdiriwang na ika-46th National Disability Rights Week na inorganisa ng City Social Welfare and Development Office.
 
Nagsimula ang programa sa isang misa na pinangunahan ni Msgr. Dennis Imperial. Nasundan ng pagbibigay ng kaalaman para sa mga guro at magulang ng mga person with disabilities na tinalakay ni Guest Speaker Dr. Nelson Ravina.
 
Nagkaroon din ng Singing Contest, Poster Making Contest at Miniature Painting Contest. Panalo sina Renieto Abas, Aaron Aquitania at Jun-Jun Marmol na tumanggap ng sertipiko ng pagkilala at cash prize. Samantalang sina Educational Supervisor Mildred Z. Galleno, Daryl Pabularcon at Vincent Jaballa ang naging mga hurado sa patimpalak.
 
Isinagawa din ang Distribution of Assistive Devices gaya ng Wheelchairs, Walkers, Portable Walking Sticks, Quad Cone, at Wooden Crutches sa animnapu’t apat (64) na person with disabilities handog ng DOH CHD IV thru Quezon Provincial Health Office and Provincial Department of Health Office.
 
Naging panauhin sa programa sina Ma. Monica Roma Mosanto, Eden Sabio na mula sa DOH at April Rose Veluz na mula sa PSWDO.
 
Naging matagumpay ang pagdiriwang dahil sa suporta ng CSWDO sa pamumuno ni SWDO Irma Ilocario, Joanne Durante-Hachaso at ang buong Pamahalaang Lokal ng Lungsod ng Tayabas sa pamumuno ni Mayor Lovely Reynoso-Pontioso.
SHARE ON
Scroll to Top