08
Aug 2024
News
TINGNAN || Matagumpay na naisagawa ng Bangko Sentral ng Pilipinas ang Media Information Session na dinaluhan ng mga kawani ng media at government information officers sa BSP Lucena Branch Multipurpose Room kahapon, August 5, 2024.
TINGNAN || Matagumpay na naisagawa ng Bangko Sentral ng Pilipinas ang Media Information Session na dinaluhan ng mga kawani ng media at government information officers sa BSP Lucena Branch Multipurpose Room kahapon, August 5, 2024.
Layunin ng nasabing aktibidad na maipalaganap ang mahahalagang kaalaman tungkol sa central banking, payments digitalization initiatives, financial consumer protection act, at local banking statistics. Inaasahan ng BSP na makakatuwang ng ahensya ang mga media practitioners at public information officers sa hangaring ito.
Kabilang sa mga naging tagapagsalita sina BSP Lucena Branch Area Director Atty. Dennis Gamaya, Economic and Financial Learning Office Deputy Director Arnel Adrian Salva, Payments Policy and Development Department Bank Officer V Martin Dominic A. Reyes, Consumer Protection and Market Conduct Office Bank Officer V Alvin Tolosa, Consumer Complaints Resolution Office Senior CRO Atty. Carlos Manuel Prado, Legal Officer I Atty. Johan Gabriel Fabia and BSP South Luzon Regional Director Atty. Tomas Cariño, Jr.
Kasama namang dumalo sa media information session ang mga mamamahayag buhat sa local and national broadcast and print media, at government information officers kagaya nina Tayabas CICRO Willy Tomines, Sampaloc PIO Emerson Daya, PSA Quezon Margarita Cada, PIA Quezon Acting Head Ruel Orinday, Former PIA Quezon Manager Lito Giron, at marami pang iba.