04
Sep 2024
News
TAYABAS CITY HEALTH OFFICE, NAPILING BENCHMARKING SITE NG INTER-PRIMARY CARE PROVIDER NETWORK (PCPN).
Napili ng PCPN ang Tayabas City Health Office bilang benchmarking site dahil sa pagiging Top Performing Konsulta Package Provider within the Quezon Primary Care Provider Network. Bukod pa sa maraming awards na natanggap na nagpapatunay ng pagiging “highly significant and impactful” ng tanggapan.
Dumating at masayang tinanggap ni Mayor Lovely Reynoso-Pontioso sa Lungsod ng Tayabas ang mga kinatawan ng Inter-Primary Care Provider Network (PCPN) buhat sa South Cotabato, Bataan at Baguio City kabilang sina Atty. Mauro Anthony Cabading, Dr. Francis Sarmiento, III., Dr. Edwin M. Orina, mga kawani ng Philhealth at personnel ng Integrated Provincial Health Office na magsasagawa ng benchmarking sa Tayabas City Health Office ngayong Martes, September 3, 2024.
Kasama ni Mayor Lovely Reynoso-Pontioso na sumalubong sa mga panauhin sina City Health Officer Hernando Marquez, Program Head Joanne Durante-Hachaso at OIC-Tourism Officer Koko Pataunia.