SERBISYONG REYNOSO CARAVAN UMARANGKADA SA BARANGAY ISABANG

SERBISYONG REYNOSO CARAVAN UMARANGKADA SA BARANGAY ISABANG
21 Oct 2024

Health

News

SERBISYONG REYNOSO CARAVAN UMARANGKADA SA BARANGAY ISABANG

Muling umarangkada ang Serbisyong Reynoso Caravan ng OCM-MHMERT kasama ang ilang tanggapan ng Lokal na Pamahaalan ng Lungsod ng Tayabas upang paglingkuran ang mga residente ng Baranay Isabang Kanluran ngayong Martes, October 15, 2024.

Mayroong libreng medical consultation, ECG, X-ray, Ultasound at iba’t-ibang uri ng laboratory, diagnostic services at dental services. Mismong si Mayor Lovely Reynoso-Pontioso ang nakaranas ng mga libreng laboratory test ng OCM-MHMERT Mobile Laboratory Clinic.

Nagsagawa din ng offsite services ang tanggapan ng City Health Office-Dental Section, City Social Welfare and Development Office (CSWDO), Office of the City Library, City Veterinary Office, City Environmental and Natural Resources Office (CENRO), City Agriculture Office, at Public Employment Services Office (PESO) para sa kanilang serbisyo sa mga residente ng nasabing lugar.

Maging ang mga tauhan ng OCM-Information and Communication Technology (ICT) Section ay nandoon din para sa App Registration and Issuance ng Tayabazen Card. Samantalang tuloy-tuloy ang information campaign tungkol sa kalusugan at mga programs on health gamit ang CICRO Audio-Visual Truck.

Kasama din ni Mayor Lovely Reynoso-Pontioso na nagtungo sa Serbisyong Reynoso Caravan ang ilang miyembro ng Sangguniang Panglungsod upang makadaupang-palad ang mga residenteng naninirahan doon.

Kagaya ng palaging pangako ni Mayor Lovely Reynoso-Pontioso “sa Lungsod ng Tayabas ang pag-aalaga sa kalusugan ng mga Tayabasin ay patuloy na nasa puso natin.” At ang Serbisyong Reynoso Caravan ay patunay ng pagpapahalaga sa kalusugan nating lahat. 

SHARE ON
Scroll to Top