INDIGENOUS PEOPLES’ GAMES 2024, ISINAGAWA

INDIGENOUS PEOPLES’ GAMES 2024, ISINAGAWA
30 Oct 2024

News

Sports

INDIGENOUS PEOPLES’ GAMES 2024, ISINAGAWA

Nagpaligsahan sa husay sa paggamit ng pana, sumpit, tayakad na kahoy, at larong “batong bola” ang pitumpung (70) katutubong Ayta ng Barangay Tongko, Tayabas City noong Sabado, October 26, 2024 sa Parke Rizal.
 
Tinaguriang “Indigenous Peoples’ Games 2024” ang naturang paligsahan na inorganisa ng Office of the City Mayor-City Sports and Wellness Section sa pamumuno ni Sarah Zagala. Layunin nito na patuloy na maipakilala, manatiling buhay ang tradisyunal na laro at maging aktibo ang mga katutubo sa pakikipagkaisa.
 
Nangungunang sumusuporta sa layuning ito si Mayor Lovely Reynoso-Pontioso at ang mga kasamang konsehal na dumalo at nagpahayag ng mensahe na sina Konsehal Luz Cuadra at Konsehal Carmelo Cabarrubias.
 
Gumabay naman sa mga gawain sina National Commission on Indigenous Peoples – Region IV-A Officer-In-Charge Fil Vincent B. Garcia, Midwife Wilma A. Serafines at Christine M. Santiez.
 
Sa apat na koponan ng mga katutubo, tinanghal na kampiyon ang Team No. 2 na nagkamit ng Trophy at cash prize na P10,000. Pumangalawa ang Team No.1 na tumanggap ng trophy at cash prize na P7,000. Pangatlo ang Team No. 3 na may Trophy at cash prize na P5,000. At pang-apat ang Team No. 4 na tumanggap ng Trophy at P3,000.
SHARE ON
Scroll to Top