01
Dec 2023
News
BASIC EMERGENCY SUPPLIES NG MGA BARANGAY KAPAG MAY SAKUNA, NAKAHANDA NA PARA SA ANIMNAPUT ANIM (66)
Dec. 1, 2023
BASIC EMERGENCY SUPPLIES NG MGA BARANGAY KAPAG MAY SAKUNA, NAKAHANDA NA PARA SA ANIMNAPUT ANIM (66)
Animnaput anim (66) barangays ng Lungsod ng Tayabas ang binigyan ng Basic Emergency Supplies (BES) na naglalayong mapaghandaan ang anumang sakuna. Kabilang ito sa Disaster Preparedness Drive na isinasagawa ng Tayabas City Disaster Risk Reduction and Management Office.
Tinipon sa Disaster Risk Reduction and Management Office, ang 66 barangay upang tanggapin ang supplies na binubuo ng banig, kumot, kulambo, hygiene kits, face mask, absolute distilled water, green cross alcohol na magagamit ng mga lubhang maaapektuhang kabarangay sa panahon ng sakuna.
Mismong si Mayor Lovely Reynoso-Pontioso at CDRRMO Che Bandelaria ang namahala sa pamamahagi ng mga kagamitan na isinagawa ngayong Biyernes, December 1, 2023.
ITO ANG NAPAPANAHONG ACTION NG SERBISYONG REYNOSO PARA SA BAYAN NG TAYABAS SERBISYONG MAY PUSO AT MALASAKIT SA TAO.