
27
Mar 2025
News
“Bulwagan ng Mamamayan” Groundbreaking in Tayabas

Isinagawa ngayong Huwebes, March 27, 2025 ang groundbreaking ceremony na naghuhudyat sa pagsisimula ng itatayong Bulwagan ng Mamamayan sa compound ng New Tayabas City Hall Complex.
Ang pondo sa pagpapatayo ng Buwagan ng Mamayan ay nagmula sa DILG sa pamamagitan ni Senator Francis Tolentino.
Pinangunahan ni Mayor Lovely Reynoso-Pontioso ang isinagawang groundbreaking ceremony kasama sina Vice Mayor Rosauro Dalida, Konsehal Luz Cuadra, kinatawan ni Sen. Francis Tolentino na si Atty. Alfonso Paw Jr., Sangguniang Barangay ng Baguio at mga Kapitan ng Lungsod ng Tayabas.

