INDEMNITY PAY, NATANGGAP NG MGA MAGSASAKANG NASALANTA NG PESTE ANG MGA PANANIM O NAMATAYAN NG KAMAG-ANAK

INDEMNITY PAY, NATANGGAP NG MGA MAGSASAKANG NASALANTA NG PESTE ANG MGA PANANIM O NAMATAYAN NG KAMAG-ANAK
30 Mar 2025

News

INDEMNITY PAY, NATANGGAP NG MGA MAGSASAKANG NASALANTA NG PESTE ANG MGA PANANIM O NAMATAYAN NG KAMAG-ANAK

Siyamnapu’t dalwang (92) magsasakang Tayabasin ang tumanggap ng Indemnity Checks mula sa Philippine Crop Insurance Corporation-Regional Office 4 bilang tulong sa sinapit na salanta sa kanilang pananim dulot ng peste, at tulong para sa namatay na miyembro ng samahan sa ginawang pay out sa Training Room ng New Tayabas City Hall ngayong Lunes, March 31, 2025.

Nagbahagi ng mensahe si Mayor Lovely Reynoso-Pontioso sa mga magsasakang Tayabasin na tumanggap ng indemnity pay.
 
Pinangunahan ni Insurance Processor Aljane Mharu E. Oabel ng Philippine Crop Insurance Corporation, kasama si City Agriculturist Rommel Abuyan ang pamamahagi ng financial assistance sa mga magsasaka. Umabot sa kabuuang halagang P510,953.70 ang halaga ng ipinamahaging indemnity payment. Nagsawa din ang Philippine Crop Insurance Corporation ng registration ng insurance ng mga magsasaka para sa kasiguraduhan at kaligtasan ng magsasaka at pananim.
SHARE ON
Scroll to Top